weirdly awesome authentic not so typical gal

ノラガミ

ノラガミ
I wanna be with you forever

るろうに剣心

るろうに剣心
No one is not worth saving

20140513

YUNG TIME NA...

Dadating yung araw na ikaw na lang yung madalas magte'text.
Dadating yung araw na yung mga pagkahaba habang reply niya sa'yo, ngayon hindi na umaabot ng 3 words.

Malay mo isang araw,
hindi na siya kasing sweet nung dati.

Yung 10x na pagi' iloveyou niya sayo sa isang araw ngayon isang beses na lang, minsan nga hindi na.

Yung pag-aalala niya na, "Kumain ka na ba?" o kaya naman, "Okay ka lang ba?"

Malay mo isang araw,
hindi ka na niya tatanungin nun.

Hindi na siya yung nakilala mo noon na sobrang caring at sobrang bait.

Yung tao na nasasandalan mo, dahil madalas, puro away na lang kayo.

Dadating yung araw na hindi niyo na gagawin yung mga bonding niyo noon kasi tinatamad daw siya.

Yun bang, dumadating na sa puntong ikaw na lang yung umiintindi, ikaw na lang yung nage-effort, ikaw na lang yung umaako ng lahat.

Dumadating sa puntong ikaw na lang yung nagmamahal. Pilit kang kumakapit, habang siya, bumibitaw na.

Kaya habang nandiyan siya, habang mahal ka niya, wag mong sayangin yung mga oras na yun. Wag mo siyang dedmahin kapag nage-effort siya sayo, wag mong dedmahin kapag nagiging sweet siya.

I'appreciate mo lahat. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa magandang lagay yung relasyon niyo. Hindi habambuhay, puro sweet at saya lang.

Mahalin mo siya. Dahil kung hindi mo papansinin, baka isang araw, mawala na lang siya at magsawa na.

'tis!

Di porket babae tayo, eh tayo na lang dapat lagi ang sinusuyo. Depende din yan dapat sa sitwasyon. Kung gusto mo mag-work ang relationship niyo at gusto mong magtagal kayo, tulungan mo siya. Hindi yung siya na lang lagi ang nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay bagay sa relasyon niyo.

"kAYO"

Kapag nasa isang relasyon ka, dapat hindi isa lang ang nage'effort. 
Dapat dalawa kayo.. 
kaya nga “KAYO” 
eh kasi dapat parehas kayong kumikilos para mas mapaganda yung relasyon niyo. 
Wag palaging ikaw, dahil baka dumating sa puntong marealize mo na, 
“AKO NA LANG LAGI. AYOKO NA.” 
Oo, hindi masama sumuko lalo na kapag nahihirapan ka na, pero isipin mo, 
ikaw nga lang ba talaga? 
Oh naghahangad ka lang ng MALAKI sa kanya, at hindi mo naappreciate ang maliliit na bagay na ginagawa niya dahil nga nage'expect ka ng sobra?